Thursday, February 27, 2014

Anong pangarap mo?

May pangarap ka ba? Anong pangarap mo? Saan ka ba pupunta?

Pangarap mo ba ang mga sumusunod?

  1. Magkaroon ng magandang bahay o kahit yung disente lang basta sayo
  2. Magkaroon ng magandang sasakyan o kahit yung disente lang basta sayo
  3. Magkaroon ng maraming pera o kahit regular na trabaho lang
  4. Mapagtapos ang iyong mga anak o kahit mapakain lang sila araw-araw
  5. Magkaroon ng malusog na pangangatawan o kahit hindi na lang ako magkasakit ng malala
  6. Magkaroon ng masayang relasyon sa iyong minamahal o kahit sino na lang
  7. Maging masaya sa kung ano ang meron ka at kung ano ang ginagawa mo ngayon
Ang tanong ngayon... pangarap ba yang mga yan?

Kung yan ang pangarap mo, nangangarap ka ba talaga?
Hindi ka ba nagsasayang ng oras dito sa mundo?

Mag-isip isip muna tayo ha...

sa milyong milyong tao sa mundo… lahat sila yan ang gusto, walang taong ayaw ng mga bagay na nailista natin. Lahat hinihintay na dumating yan, in short generic yang mga yan tama? Ngayon. Iibahin natin ang tanong, Meron ka bang pangarap? O isa ka sa mga tao na nabubuhay lang para lang mabuhay? Masasabi mo bang tunay na pangarap ang mga nabanggit na halimbawa? Hindi kaya makukuha ang mga yan kapag natupad mo na talaga ang totoong pangarap mo sa buhay? Anong silbi mo dito sa mundo? Bakit ka nabubuhay? Ilang beses ka ba mabubuhay at bakit mo sinasayang ang isang pagkakataon na ito? Bakit ako naglilitanya kahit hindi ka naman sumasagot? Hindi ko naman sinasabi na masama ang makuntento sa ganyang pangarap pero ano nga ba? Ilang beses ba tayo mabubuhay para sayangin ng ganito? Masaya ka ba kung alam mo na walang pupuntahan na mataas ang buhay mo?

No comments:

Post a Comment