Friday, February 28, 2014

Paano makipagbalikan sa ex mo?

paano makipagbalikan sa ex mo?
kinuha lang sa net

Paano ba ako makikipagbalikan sa ex ko?

Simpleng tanong lang ito pero maraming hindi nakakaalam kung paano o kung dapat pa ba na makipagbalikan sa ex ko...

So... paano nga ba?

Makipagbalikan :  Ang salitang ito ay napakahalaga sa gagawin natin, kailangan niyong maintindihan na makikipagbalikan tayo at para mangyari ito ay kailangan na may nangyaring pagiging magkasama at paghihiwalay, hindi ba? Sa makatuwid ay una kailangan na naging kayo muna at pagkatapos ay naghiwalay kayo. Sa madaling salita, dapat ay meron kayong formal Break-Up! OO! Malamang kailangan niyo muna maghiwalay!


paano makipagbalikan sa ex mo?
kinuha lang sa net
Ang paghihiwalay ninyo ay kailangang malinaw, tinanggap mo at tinanggap din niya, nang sa ganoon ay pareho kayong makabalik sa kanya kanyang buhay nung hindi pa kayo nagkakakilala, importante ito para sa pagbuo muli ng pundasyon mula sa pagkakaibigan ninyong dalawa hanggang tuluyan na kayong magkabalikan.


Thursday, February 27, 2014

Anong pangarap mo?

May pangarap ka ba? Anong pangarap mo? Saan ka ba pupunta?

Pangarap mo ba ang mga sumusunod?

  1. Magkaroon ng magandang bahay o kahit yung disente lang basta sayo
  2. Magkaroon ng magandang sasakyan o kahit yung disente lang basta sayo
  3. Magkaroon ng maraming pera o kahit regular na trabaho lang
  4. Mapagtapos ang iyong mga anak o kahit mapakain lang sila araw-araw
  5. Magkaroon ng malusog na pangangatawan o kahit hindi na lang ako magkasakit ng malala
  6. Magkaroon ng masayang relasyon sa iyong minamahal o kahit sino na lang
  7. Maging masaya sa kung ano ang meron ka at kung ano ang ginagawa mo ngayon
Ang tanong ngayon... pangarap ba yang mga yan?